Tag Archives: kalurkey

#Nakakalerks

22 Dec

Mga plastik. In both human and non-human form.

Mga taong namamansin lang pag may ipagyayabang o pag may kailangan sila.

Mga truck driver at pasahero na nakaka-bastos kung makakatitig, maka-hiyaw at maka-“Hi, Miss!”

Mga tao na hinuhubaran ka sa tingin.

Mga driver sa likod ng sasakyan mo na karipas pa rin ang pag-overtake kahit kanina ka pa naka-left/right turn signal.

Korupsyon sa bureaukrasya, mapa-lokal, panlalawigan o pambansa.

Yung nagpa-xerox at bind ka ng isang buong libro, tapos pagkabasa mo, may isa o higit pang baliktad na page.

Mga bus o taxi o eni-eni driver na feeling Vin Diesel sa daan (pwera na lang siyempre kung may buntis o isusugod sa ospital na sakay).

Basang rim ng toilet seat.

Yung buong araw ka nag-crave ng isang uri ng pagkain, tapos nung ikaw na yung pangalawa mula sa cash register, narinig mong huling piraso na yung in-order ng nasa harap mo.

Mga group mate sa school o sa trabaho na madalang pa sa multo magparamdam.