Tag Archives: life

Dahil ang buhay ay parang Circle of Fun

18 Dec

Matapos ang Parada ng mga Parol, dinayo naming magkakaibigan ang Circle of Fun sa Kyusi Memorial Circle. At dahil hindi pa ako handang simulan ang aking requirements sa isang major, heto at pagninilayan ko muna ang mga aral na kalakip ng bawat atraksyon sa lugar na iyon.

Dahil madaling ma-carried away, lalo na sa Sea Dragon. Photo by CJ Sarmiento.

Sea Dragon (a.k.a. Giant Swinging Boat, haha): May mga bagay na mukhang madali at masaya. Pero malalaman mo na lang na hindi laging ganun kapag pinagdaraanan mo na.

Wild Wind: Dalawang ikot lang ito pero nakayayanig-utak, ayon sa isang kaibigan (hindi kasi ako nangahas sumubok). May mga karanasan na parang nakakabitin. Pero mabuti nang ganun kaysa pagsisihan pa sa kalaunan.

 

Buhay Bump Car. Isang larawan ni Jenee Ocampo.

Bump car: May oras ang lahat ng bagay. May oras para magpahabol, manghabol, at mag-preno pag malapit nang masaktan.

The Lost Pharaoh: Minsan kailangan harapin ang kinakatakutan. Dahil may mga bagay na hindi dapat tinatakbuhan.

Keritnxbye. Makaalis na nga nang maka-gawa ng article :))

Advertisements