(Hango sa antolohiyang “Hindi Man Lang Nakita” ni Messandel Virtusio Arguelles.)
Hindi ko makalimutan ang kanyang anyo
Gayong hindi ko ito ganap malarawan.
Hindi ilang ulit akong nagtangka
Hanggang ngayon, dito, ngunit sadyang akin
Ang malaking kakulangan. Sa aking panaginip
Nakita ko siya sa dilim, sa pinagmulang-
Liwanag, anyong palapit sa akin.
Itinaas ko ang aking mga kamay.
Inaabot ko ba siya o itinutulak palayo?
Sa ganoong alinlangan ako nagising,
Habol ang hininga sa katahimikan.
***